Picture
Pasintabi po sa mga di nakakaunawa sa aking mga sasabihin sa aking blog, pinapayuhan ko po kayong maging “open-minded,” at pawang propesyonal lamang ang nakakaalam nito (echusa lang).

Mananagalog na lang ako, para ma-express ko ng maayos ang aking sarili. Isa akong Online English Coach (taray noh? Pambihira!) or in short English Teacher sa Online    (short ba? Joke lang!). Sa loob ng pitong taon ng aking pagtuturo sa lengwaheng ito, marami na akong nasaksihang pambihira (watta word) sa aking mga tinuturuan at masasabi ko na ang mga katulad kong Language teacher ay isa sa may mga pinaka DAKILANG gawain. Bakit? Sapagkat, hindi madali ang maging isang English Coach lalo na ang mga tinuturuan mo ay hindi mo kalahi, in other word, foreigner. Kelangan lagi kang may bitbitbitbit na isang katutak na "pasensya." Ang kadalasan na eencounter namin sa aming trabaho ay ang “language barrier.” Katulad ng iba kong mga student, naku ang iba sa kanila..lalo na ang mga beginner learners ay napakahirap unawain..

Kagaya na lang minsan sa isa kong student na ito. Kelangan mahusay kang makinig.


Ako: Hello! Wanna ask if u have a diary?

Student: YES! Sometimes (smile)

Ako: Oh really? Where is it? (curious)

Student: sometime, I will go to the doctor. But only sometimes.


Ah “diarrhea.” Wahehehehe! Kakaloka! Sige na nga, gusto mo yan eh.


Meron pa.  di ko sya makakalimutan.


Ako: Hello ____ how are you?  (smile)

Student: (deadma, kunwari walang marinig)

Ako: Hello! Can you hear me my dear? (smile pa din)

Student: Hello (bingi bingihan na)

Ako: So how’s your day?

Student: (Bumubulong) Shippp….!!!!!!!!!!!! (tatlong beses)

Ako: (Mega smile pa din kunwari wala akong narining na fishy word) Who’s with you?

Student: (Nilayo ang mic at sabay sabing) ship-pal!!!


Woy, ang tunog..dinig na dinig ko..layo mo pa mic mo.

Shippal (shibbal) ay isang "bad word" Hanggul (Korean).


Kahit na naiinis ako..


Ako:  Wow! That’s nice! Again..?

Student:  (Nilayo ang mic) Shippp-ppppal!

Ako: (Walang pasintabing) tut-tut-tut! (Pinutol ko usapan namin..agad agad)


Mumurahin ako, ok lang sana kung napakalaki ng bayad niya..ok lang..magbingi-bingihan ako..  pero hinde eh! Sabi nga ng anak ko “Noh!! Never!!!

MAY PART 2. ^_^